Wednesday, November 19, 2008

Program ni Sir...

Hay, naku!!! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako umiiyak? Napakasama kasi ng loob ko doon sa nangyari bago ang subject na ito. Hindi ko ito malilimutan. Umiiyak ako at sa tinging ko, napansin ako ni Sir pati nga si Glenda at si Julius... napansin ang pag- iyak ko. Nahihiya tuloy ako. Pero mabuti na lang, itong si Shielang madaldal ay kinuwentuhan ako tungkol sa love life niya. Binago niya ang mga nasa isip ko at kinulit ako sa aking nagugustuhang lalaki. Tuloy, para makalimutan ko, kinuwento ko na lang sa kanya ang nagugustuhan ko at naisip ko... totoo pala iyon na isipin mo lang ang mahal mo, mawawala an ang sakit na nararamdaman mo. Yeheey!!! Bumalik na ako sa dati. Ooops!!! Heto na naman si Sir, parang nahihiya sa unahan dahil magtuturo na naman siya pero sinabi niya na ang tungkol sa program na gagawin namin. Hindi ko naiintindihan ang sulat niya sa blackboard- parang sulat pang- elementary pero di bale na, pinalitan na siya ni Dionisio sa unahan para pag- usapan ang plano para sa programa na aming gagawin. Heto na... hindi na naman nakikipag- cooperate ang aking mga kaklase pero di bale na, mabuti na lang magaling si Sir at kapag nagsasalita siya- medyo napapatahimik niya kami at biglang napupunta doon sa program ang aming mga isip. Kaya naman, nakagawa kami ng mga committee tungkol doon sa program. Gusto ko nang umuwi... time na kasi. Ay, hindi pala. Lampas nang 15 minutes.. Talagang huli na akong papasok nito sa next subject. Sir naman!!! Pauwiin mo na kami next time sa tamang oras. Umuuwi pa kasi ako sa amin. Paulit- ulit ko na lang itong sinasabi kaya lang sa mahinang boses kaya hindi niyas naririnig pati nga is Ate Labatana na katabi at si Francis na katabi niya... ganito rin ang sinasabi nila. Mabuti na lang, ngayong araw na ito, wala na kaming pasok ngayong hapon. Yes!!! Pinauwi na rin kami sa wakas. Masakit pa rin ang mata ko pero di bale na. Alam ko, ngayong araw na ito matatapos na masaya ako at tsaka isa pa, masaya talaga ako para sa kapatid ko dahil inilibre niya ako ng pangcomputer ko ngayon dahil nakapasa na siya sa LET ngayon. Yeheey!!!

Tuesday, November 18, 2008

Our National Hero: Born or Made?

Nagsimula ang araw sa pamamagitan ng pag- uulat ng TRIVIA. Hay naku!!! Tingnan mo itong si Adelfa... hirap na hirap sa pagsalin ng Trivia niya sa wikang Filipino. Kaya ngayon, nangangamote siya. At heto naman si Ms. Glenda na kilala sa tawag na Speechless- iniulat niya ang kanyang napanood na balita sa Rated K na tungkol sa pagpapaganda gamit ang dugo ng tao. Eto naman ako... seryoso sa pakikinig dahil tungkol sa pagpapaganda. Inaalam ko kasi kung pwede ba ito sa akin pero naisip ko na maganda naman ako kaya bakit naman ako makikinig sa kanya. Kaya nakipagdaldalan na lang ako kay Shiela na palagi naming tinutukso sa kanyang bagong manliligaw yata. Ooops!!! Tapos na pala si Glenda sa kanyang pag- uulat. Heto na si Kuya Alex para iulat ang tungkol sa temang " Our National Hero: Born or Made? " Ay, nakalimutan ko... Nag- ulat rin pala si Sir. Busy kasi ako sa pakikipagdaldalan kay Shiela pero siyempre pinagliban ko muna ang pakikipagkuwentuhan at matamang nakinig sa kanyang iniulat. Pinaalalahanan rin niya kami na dapat ang pag- uulta ng mga trivia ay may ipapakita kung saan namin iyon nakita- kumbaga, reference. At sinabi niya rin sa amin na huwag gumamit ng Manila paper. Hay, naku!!! Tutol talaga ako dito kay Sir kasi ang pinapagamit niya sa amin ay iyong mga lumang kalendaryo o mga scratch papers. Sabi ko naman sa isip ko... kung gagamitin namin iyon, hindi kaaya- aya para basahin ng mga butihing mga kamag- aral. At bigla na lamang siyang nagsalita na kung gagamit noon, nagiging resourceful kami. Pero ayoko namang mahirapan ang aking mga kaklse sa pagbabasa kung hinid malinaw ang kanilang binabasa. Di ba, mahirap iyon? Pero di bale na nga lang, sa kanya lang naman at tska tama rin sya na mas makakatipid kami at isa pang advantage- di naman ako ang mahihirapan sa pagbabasa kundi iyong mga kaklse ko na magbabasa kapag ako na ang nag- ulat. Siyanga pala, noong nagreport si Kuya, nahiya na tuloy siyang gamitin iyong Manila paper niya, sayang lang. Pagiging resourceful ba iyo na nasayang lang ang visual aids niya? Pero di bale na, ang galing naman niyang mag- ulat kahit walang visual aid at nagustuhan ko iyong pinahula niya sa amin: "What makes the light bright?" At ang sagot doon- kung walang dilim, hindi magniningning ang paligid. Bigla akong may naalala pero di ko na sasabihin dahil akin na lang iyon. Hay, naku!!! Gusto ko nang umuwi, time na kasi pero di pa rin nagpapauwi si Sir. Tuloy, ma- lilate ako nito dito sa next subject ko. umuuwi kasi ako sa bahay pero di bale na, di ko na lang ngunguyain iyong pagkain. Lulunukin ko na lang iyon nang mabilisan para matapos ako kaagad. Yes! Nagpauwi na rin siya sa wakas. Takbo, Jessa, takbo!!!

Ang Pagsisimula ng Pag- uulat

Hay naku!!! Katatapos pa lang ng subject namin sa Physics... nakakapagod mag- isip pero ngayon, makakapagrelax na rin ako dahil sariling wika na ang gagamitin namin at madali nang maintindihan kaysa sa Ingles. Ang hirap!!! Heto at nagsisimula na si Ms. Mirabueno- ang nakakatuwa kung mag- ulat. Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng paligsahan na HULAHULAHOOP. Nag- enjoy kaming lahat pero si Sir parang hindi.Pero di bale na, di naman siya kasali sa game. Hay, naku... mauubos na ang oras sa kanyang paligsahan at akala ko hindi na magre- react si Sir pero napansin niya rin pala ito. Kaya pinahinto na niya ang aming kaligayahan at nagsimula na si Ms. Mirabueno sa kanyang pagtuturo tungkol sa buhay ni Rizal. Lahat ng tungkol kay Rizal noong bata pa siya ay naiulat pati na rin noong mga kapatid niya. Uso pa talaga noon ang kasabihang "Humayo kayo at magpakarami."- hehehe. Doon nga natapos si Ms. Mirabueno sa kanyang ulat at natapos na rin ang oras. Akala ko magqui- quiz... natakot ako kasi hindi ako nakikinig pero mabuti na lang at sinabi ni Sir na bigyan na lang siya ng limang tanong tungkol sa iniulat niya at pag- iisahin na lang ang lahat ng mga tanong para gawing test. Kaya dapat mag- aral ako. Go! Go! Go! Ay, hindi. Tatanungin ko na lang si Ms. Mirabueno kung ano iyong mga ipinasa niyang tanong para hindi ako mahirapang mag- aral ( Joke lang...:))

Monday, November 17, 2008

Ang Bago Naming Guro...

Ilang araw kaming walang guro. Ang daming araw na nagdaan... sa wakas nang matagal naming paghihintay, nagkaroon din kami ng bagong guro. Siya ay si G. Irvin P. Sto. Tomas. Siya ay nakapagtapos ng Masteral at kasalukuyang nag- aaral ng Doctorate. Sa unang pagpasok niya, siya ay nagpakilala kung sino siya at nagbigay ng ilang impormasyon tungkil sa kanyang sarili. Pagkatapos noon, sinabi niya rin ang mga dapat naming gagawin tulad na lamang nito- ang paggawa ng BLOG na talagang hindi ko naman hilig... pero makakasanayan ko na rin pagdating ng araw. Sinabi niya rin na bawat pagkikita namin sa asignaturang kanyang itinuturo sa amin, kailangang bago magsimula ang pag- uulat... kailangan naming magbigay ng TRIVIA at mag- ulat ng balitang aming napanood.